15.3.10

Engr. Adino D. Caballero: Imbentor - Ilonggo / Cabatuananon

Posted on 3/15/2010 by vF


ISANG PANAYAM
G. ADINO D. CABALLERO




            Mailking pagpapaliwanag

            Nuong nakara ang Marso 27 ng kasalukuyang taon, naikwento ni SB. Noemi Caballero na darating ang kaniya lolo mula sa bansang Amerika. Naabot rin n gaming maikling kwentuhan na may “patent” na nakapangalan sa nasabing lolo. Napukaw nito ang aking mapanuring kaisipan na ng ako’y naka uwi, agad kong binuksan ang aking kompyuter at hinanap sa internet ang pangalang nabanggit ni Bb. Noemi. At duon nga nakita ko ang isang uri ng pamproteksyon sa salamin na nakapangalan nga kay G. Adino ang pagkakalikha.
            Sa ganitong pagkakataon, nabuo ang balak na makapanayam ang nasabing tao, upang mas lalo siyang makilala.
            Mahigit 90 porsyente ng mga susunod na tipan ay nagmula sa wikang Ingles. Kung kaya’t ang ibang terminolohiya na hindi malalapatan ng tugmang salita sa Filipino ay mananatili sa orihinal na wika.

JOSEFINO C. PANCRUDO JR – Maraming salamat pos a pagpapa unlak ninyo sa pagkakataong ito bagamat gahol sa oras.

ADINO D. CABALLERO – Walang anuman. Yun nga lang, ako ay nagtataka kung bakit napili na kapayanamin.

JP- Napag alaman ko po kasi na isa po kayong imbentor. At sa ngayon po an gating paaralan na CNCHS ay isa ng Tek-Bok na paaralan. Kung kaya’t napagtanto ko po na kayo’y tanungin tungkol sa inyong naimbento.

AC – Ang aming nagawa ay isang uri ng protective coating for glass.

JP – Saan po ito nagagamit?

AC – Kadalasan ito ay ginagamit para sa mga ilaw pang medikal o di kaya ay para sa mga lugar na pinaghahandaan ng pagkain. Ang katangian kasi ng imbensyong ito ay, kung sakaling masira ang ilaw; walang pangamba na ito’y mawawasak. Mababasag ang salamin, ngunit walang pangambang magkakaruon  ng bubog lalo na ang mga ino operahan.

JP – Gaano po ninyo katagal ito nabuo?

AC – Masasabing ito’y nagging bunga rin ng pagsasaliksik at pag gamit ng kaalaman mula sa iba pang bagay na ginagawa n gaming kompaniya. Ito kasi ang isang katangian nating mga Pilipino, mahilig tayong maghanap ng mas mabuting paraan ng pag gawa ng mga bagay na nariyan na.


JP – Ito po ba’y inyong napag aralan?

AC – ang natapos ko kurso ay Mechanical Engineering, mula sa dating ICC na sa ngayon ay tinatawag na na Western Institute of Technology. Dagdag pa rito ang Textile Engineering mula naman sa bansang alemanya.

JP – Kung ganuon po, parang ang layo naman po yata ng inong napag aralan sa inyong trabaho?

AC- Yun na nga e. mas nalinya ako sa pagtutuklas sa Chemical Engineering kaysa sa orihinal na kurso ko. Pero, ito ay isang pagpapatunay ng isa pang ugali nating mga pinoy. Dahil kung ating nanaisin, ating kayang gawin. Nagsimula lamang ako sa pagtimpla ng ibat-ibang tinta para sa pintura hanggang sa naging technical manager ako n gaming kiompanya. 

JP- Gaano na po kayo katagal sa inyong kompanya?

AC- Kung susumahin mga 20 taon na. Binigyan ko na nga lang sila ng isang taon bago magretiro. Matagal ko na ring balak na magpahinga at maliwaliw, ngunit ako’y pinaki usapan na huwag muna.

JP -  Sa tinagal tagal nyo po sa pinagtatrabahuhan ninyo, meron po ba kayong mga di makakalimutang kwento?

AC – Marami, pero merong isa na aking laging binabaliktanawan. Ito’y nangyari mga ilang taon na ang nakalipas. Kung saan meron kaming kliyente na naghahanap ng isang uri ng material na ginagamit sa mga sasakyang pang konstruksyon.sa nasabi kasing kompanya, ang tanging pinagkukunan nito ay ang isa pang kompanya mula sa Inglatera.
            Sa ganuong proyekto, kasama ang aking mga tauhan. Nakagawa kami ng isang uri ng coating material na di hamak na mas mura at mas matibay. Lubahang natuwa ang aming kliyente na lahat na ng kanilang kailangang parte ng sasakyan na aming nadebelop ay sa amin na nila pinapagawa.
            Nakarating ang pangyayaring ito sa kompaniya sa Inglatera. Kaya kanilang ipinadala ang 3 sa kanilang bise president eng kompaniya upang alamin kung sino ang may gawa ng makabagong parte ng nasabing sasakyan. Nang ako’y kanilang nakausap, tinanong nila ako kung saan ko nakuha ang PhD o pagkadalubhasa. Sinagot ko naman na ako’y isang inhenyero at walang ganuong titulo. Ayaw pa rin nilang maniwala, kahit na sinagot ko na ang kanilang tanong. Sa ganang akin, di kailangan ng PhD kung gusto mong maging magaling sa inyong larangan.

JP-  Maliban po ba sa nakatala sa inyong pangalan, me mga naimbento pa po ba kayo na ibang bagay?

AC- Sa aking bilang, meron pang mga 10 na maaring kunan ng patent; ngunit ito napag desisyunan na maging sikreto na lang ng gaming kompanya.

JP – Salamat po sa inyong pagpapaunlak. Kung me maiiwan po kayong mensahe sa mga mag-aaral ng CNCHS, ano po iyon?

AC – Gawing gabay ang inyong mga karanasan. Ang pag bigo ay isang daanan patungo sa tagumpay.

            Pagkatapos ng panayam na ito nuong Marso 2, 2010 ay nabuksan ang isipan ng may akda na lubhang maipagmamalaki natin ang ating lahi bilang pinoy sa ating pagiging maparaan at mas lalo na an gating pagiging Cabatuanon sa pagkakaruon ng isang imbentor. Lubhang dapat ipagmalaki ang katulad ni ENGR. Adino D. Caballero.

1 Response to "Engr. Adino D. Caballero: Imbentor - Ilonggo / Cabatuananon"

.
gravatar
Unknown Says....

Dear Adino,
I hope I have found my long lost best friend. My name is Leonardo L.Gutierrez. We met and became good friends in West Germany in 1965.

If you are my good and best friend Adino Caballero who lived and worked in Marikina, please contact me at llgutz@gmail.com or leofeliagutz@yahoo.com

Ofelia and I met and got married in West Germany in 1966. You were the only Filipino present during our Wedding in Regensburg. We went on our honeymoon to Salzburg, Austria and Rome, Italy and you patiently accompanied us.

The last time we saw each other was when we worked together to solve a technical problem for the Cardinal Santos Memorial Hospital in the Philippines. Then we learned you migrated to the U.S. and lost contact with you.

Ofelia and our kids migrated to the U.S. in 1987 while I was doing a Regional Electrification project in Saudi Arabia. I joined the family in New Jersey in 1990. I worked for different engineering companies and for an oil refinery in New Jersey. I was forced to retire at age 64 due to the ENRON Debacle and the 9/11 events that caused the shelving of our power plant projects.

We decided to retire in Pampanga, Philippines three years ago. Last November we had to come back to NJ for medical care of Ofelia due to illnesses as complication of diabetes including kidney problems, retinopathy, cataract, etc. We do not have Medicare in the Philippines.

If you are not the person I have been looking for and if you know another such Adino Caballero, kindly forward this message to him.

Thanks and God bless. . .

Leonardo

Leave A Reply